Thursday, February 21, 2013

Ang WowBATANGAS! WowLIPA! 

Matapos ang paglalakabay naming pangkat ng mga estudyante ng City of Mandaluyong Science High School nais kong maibahagi sa inyo ang mga karanasan ko sa Syudad ng Lipa, Batangas.

Ating saliksikin ang kagandahan ng lugar na ito at tikman ang pinakamasarap at pinakadabest 

na putahe ng mga Batangueno! 


Kapanayam si Mayor Meynard A. Sabili


Ang Lipa /li·pá/ ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng BatangasPilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 283, 468 katao sa 41,962 na kabahayan. Ang Lungsod Lipa ay isa sa tatlong lungsod ng lalawigan ng Batangas. Matatagpuan ang Lipa sa hangganan ng Santo Tomas sa hilagang-silangan, Lungsod San Pablo ng lalawigan ng Laguna at San Antonio ng lalawigan ng Quezon sa silangan, munisipalidad ng Padre Garcia at Rosario sa timog-silangan, munisipalidad ng Ibaan at San Jose sa timog-kanluran, munisipalidad ng Cuenca at Mataas na Kahoy at Lawa Taal sa kanluran, munisipalidad ng Balete at Malvar sa hilagang-kanluran bahagi.




  Gov. Vilma Santos


Si Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto ay isang artistang Pilipino. Siya ang dating punong bayan (mayor) ng Lungsod ng Lipa (1998-2007) at kasalukuyang gobernadora (provincial governor) ng probinsya ng Batangas. Siya ang ina ni Lucky Manzano sa dating asawa ni Edu Manzano. Sa kasalukuyan, si Senador Ralph Recto ang kanyang asawa at mayroon silang isang anak.
Maliit na bata pa lamang si Vilma ay sumuong na sa paggawa ng pelikula at una niyang ginawa ay ang Anak... Ang Iyong Ina noong 1963 kung saan nakipagtagisan siya sa drama kina Gloria Romero bilang tunay na ina at Rita Gomez bilang nag-alaga sa kanya.
Pangalawang pelikula niya ay tumabo sa takilya at iyon ay ang Trudis Liit na gawa ng Sampaguita Pictures na kasama sina Luis Gonzales at ang kontrabida ay si Bella Flores bilang masungit na madrasta.


Leo Martinez

Leo Martniez kilala rin bilang ''Leo Martin'', ay isang Pilipinong direktor ng Pilipinas at isa ding aktor o komedyante. Siya din ang Direktor Heneral ng Film Academy sa Pilipinas. Siya at si Manuel Urbano Jr. ay nag implementa ng isang kampanya na nagbibigay motibo sa mga Pilipinong residente na hindi bumoto sa mga aktor at mga sikat na basketbolista sa eleksyon noong 2007 na eleksyon.



NAGUGUTOM NA BA KAYO?




Ala eh! Kaysarap talaga pag lutong Batangueno! Kaya kung ikaw ay sawa na sa mga pagkain sa iyong hapag, maghanap lang ng mga kasangkapan nito at lasapin ang sarap ng walang katulad na lomi. "Naku ga! kay mura laang  are! sa halagang 60 pesos busog lusog kana ga!" -Ate Cyndy Caniete (isang batanguena mula sa Batangas City)
Sa katunayan nga niyan kakagaling lang namin nung isang araw sa Lipa. At ito ang nadiskubre ng aming pangkat: 




Lomi Festival sa Batangas


Kasama si Gob. Vilma Santos kami ay nakikain!


Kaygaling niyo talaga!



Marami pong salamat sa paglalaan ng ilang minuto sa aming paglalakbay! Bitin ba? Kung oo, ano pang hinihintay niyo? Punta na!